-- Advertisements --

Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na magiging bahagi na ito ng imbestigasyong isasagawa para sa mga nangyaring patayan sa kampanya laban sa iligal na droga noong panahon ni dating PRRD.

Ayon kay CHR Chair RIchard Palpallatoc, hindi ikinunsidera ang komisyon pagdating sa drug war review panel ng Department of Justice sa panahon ni dating PRRD.

Umaasa aniya ang Komisyon magkakaroon na ito ng aktibong engagement sa susunod na taon, sa ilalim ng Administrasyong Marcos.

Ang review panel ay unang sinimulan noong 2020 bilang tugon sa tumitinding pressure sa anti-drug war ng nagdaang administrasyon, lalo na sa panig ng International Criminal Court(ICC).

Maalalang sa nagdaang administrasyon ay libo-libong katao ang namatay sa ilalim ng drug war, kung saan marami sa kanila ay nasawi sa mga ikinasang police operation.

Ang drug war ay sinimulan mula nang umupo si dating PRRD sa pamamagitan ni dating PNP Chief at ngayon ay Senator ROnald ‘Bato’ De la Rosa.

Ito ay bahagi ng pagsasakatuparan ng naunang pangako ni dating Pangulong Duterte noong panahon ng pangangampanya sa 2016 Presidential Elections na tatapusin niya ang problema sa iligal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, oras na siya ay maupo bilang pangulo. (Reports from Bombo Genesis Racho)