Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpasa sa panukalang batas na magpapahintulot sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) na bumoto ng pitong araw bago ang actual date ng halalan sa 2022.
Bse sa datos ng Comelec noong 2019, mayroong mahigit 85 million senior citizens at nasa 360,000 PWDs sa bansa.
Sa isang statement, pinuri ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia ang Kongreso dahil sa pagtitiyak nito na makakaboto ng madali ang mga marginalized members ng lipunan, tulad na lamang ng mga nakatatanda at PWDs.
Sa pamamagitan ng panukalang batas na ito ay mapapahintulutan din ang Comelec, pati na rin ang iba pang line agencies, na makapagtalaga ng accessible establishments para sa maximum voting participation ng vulnerable populations.
Tinukoy ni De Guia ang karanasan ng ibang mga bansa kung saan naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang kanilang halalan dahil takot bumoto ang kanilang mga mamamayan sa posibleng hawaan ng coronavirus 2019.
Bukod dito, may kaakibat din aniyang “additional burdens” sa health officials na inatasan tiyakin na hindi lalong kumalat ang virus.
Noong Mayo nang parubahan ng House Committee on Appropriations ang panukalang batas para payagan ang mga senior citizens at PWDs na bumoto nang mas maaga para sa halalan sa susunod na taon.