-- Advertisements --
Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang imbestigasyon sa pagpatay sa isang murder suspek habang nasa kustodiya ng Quezon City Police.
Ayon sa CHR, na kuwestyonable ang sinasabing nang-agaw ng baril si Carl Joseph Bañanola habang hawak ito ng kapulisan.
Nais nilang malaman kung paano namatay si Bañanola.
Si Bañanola ay siyang nasa likod ng pagpaslang sa mag-asawang senior citizen sa Quezon City noong nakaraang linggo.
Matapos na maaresto ito ay ma-inquest ang kaso sa Quezon City Prosecutors office ay humiling ito sa mga escort na pulis na luwagan ang kaniyang posas.
Ayon naman sa kapulisan na matapos na maluwagan ay bigla na lamang inagaw nito ang baril ng isang pulis.