CEBU CITY – Ikinabahala ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga naging pahayag ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia laban sa mga kritiko nito.
Ito’y matapos na naglabas ng pahayag ang tagapagsalita ng CHR na si Atty. Jacqueline De Guia kung saan naalarma ito sa pamamahiya umano ng gobernadora sa mga bumatikos sa kanya.
Kung maalala ay makailang beses nang ibinunyag ni Garcia ang pagkadismaya sa mga netizens patungkol sa mga hakbang ng provincial government laban sa Coronavirus diseaser 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay de Guia na ang pagpatol umano ng Cebu governor sa mga kritiko sa pamamagitan ng kanyang online press conferences ay salungat umano sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang public official.
Dahil dito, sinagot naman ni Garcia ang umano’y double standards na naging paratang ng CHR sa kanya.
Sinabi ng gobernadora na gumanti lang ito sa kanyang mga bashers sa makatao at sibilisadong paraan.
Dagdag pa nito na pawang katotohanan lang ang mga sinasabi nito lalo na at nagpapatuloy ang laban ng lalawigan sa COVID-19.