Kinilala ng Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ng Korte Suprema kamakailan na ideklarang unconstitutional ang dalawang bahagi ng kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020.
Pero sinabi ni CHR spokesperson Jacquelin Ann de Guia umaasa pa rin sila na magkaroon nang paglilinaw sa mga natirang “contentious” provisions ng batas.
Kaya naman sa ngayon, masasabi aniya nila na “partly welcome” sa kanila ang pagdeklara ng Korte Suprema sa Section 4 na nagbibigay nang kahulugan sa terorismo, at Section 25, partikular na ang tungkol sa pagtukoy sa mga indibidwal, grupo, organisasyon, o associations bilang terorista.
Nakikita ng CHR ang desisyon ng Supreme Court bilang “affirmation” na ang activism ay hindi maituturing bilang act of terrorism.
“Activism is part of a healthy, functional democracy where citizens can express and demand redress for grievances,” ani De Guia.
Pero sinabi rin niya na ang iba pang probisyon ng anti-terror law tulad ng warrantless arrest, extended detention kahit wala pang naisasampang kaso, posibleng infringements sa right to privacy, at iba pa ay nanantili namang “cause of concern” para sa CHR.