-- Advertisements --

Muling pinili ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang PBA choach na si Chot Reyes na hawakan muli ang Gilas Pilipinas sa nalalapit na 2022 FIBA Asia Cup.

Unang sasabak na sa laro ang Pilipinas sa susunod na Miyerkules sa Indonesia kung saan makakalaban ang malakas na team na Lebanon.

Makakasama naman ni Reyes bilang mga assistant coaches sina Nenad Vucinic, Jong Uichico, at Sandro Soriano.

Kamakailan lamang si Vucinic ang nag-coach sa national team sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers kung saan nagtapos sa 1-1 record ang Pilipinas.

Si Reyes naman ay nanguna sa basketball team ng bansa sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam kung saan sa unang pagkakataon ay nabigo ang mga Pinoy na masungkit ang gold medal at sa halip ay nagkasya sa silver meda.