Nananatiling year round disease o sakit sa buong taon ang cholera sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).
Ito ang inihayag ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire kasabay ng opening ng catheterization laboratory ng DOH sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital para sa mga residnte sa pitong probinsiya ng Central Luzon region.
Kinumpirma din ni Vergeire ang report na inilabas ng World Health Organization (WHO) na nasa 11 million mga pamilya sa buong bansa ang walang access sa malinis na tubig.
Aniya, ipinunto sa ulat ng WHO ang krisis sa tubig at hinikayat ang pag-obserba ng World Water Day para mapataas ang kamalayan para sa ligtas na tubig.
Ayon kay Vergeire dito sa Pilipinas ang pangunahing source ng cholera ay ang kontaminadong tubig at poor sanitation.
Ang Cholera ay isang impeksiyon sa small intestine kung saan ang mga infected na indibidwal ay nakakaramdam ng mga sintomas gaya ng diarrhea, vomiting , muscle cramps at severe dehydration.