-- Advertisements --
Humingi ng pang-unawa si Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda sa mga fans na nais magpakuha ng larawan sa kaniya sa Ninoy Aquino International Airport.
Sa kaniyang social media account sinabi nito na kaya hindi niya napagbigyan na magpakuha ng larawan ang mga kasabay niya sa loob ng eroplano ay dahil sa pagiging aligaga na ng kaniyang asawang si Neri.
Kasama kasi nila ang dalawang anak at mga gamit.
Nagbigay naman ng suporta ang mga fans nito kung saan sinabi nila na kanila itong naiintindihan at kailangan talagang unahin ang pamilya.
Galing sa US ang singer kasama ang banda nito at pamilya kung saan nagkaroon sila ng ilang serye ng concerts.