-- Advertisements --

Nangako si Chinese President Xi Jinping kay Russian President Vladimir Putin na susuportahan ng China ang soberanya at ang seguridad ng Russia.

Ito ay matapos ang ikalawang pag-uusap ng dalawang lider sa telepono mula ng maglunsad ng tinawag na special military operation ng Russia sa Ukraine noon Pebrero 24.

Inihayag ng Chinese President na handa ang Beijing na palakasin ang strategic coordination nito sa Russia.

Napagkasunduan ng dalawang lider na palakasin pa ang economic cooperation sa bakila ng kinakaharap na unlawful na sanction ng Western.

Kabilang dito ang kooperasyon pagdating sa enerhiya, pinansyal, transportasyon at iba pang sektor.

Subalit, nagpagalit naman sa US ang pagpapahayag ng Beijing ng suporta sa Moscow.

Ayon sa US State Department, sinasabi umano ng China na magiging neutral ito subalit taliwas sa ipinapakita nito na malinaw na mayroong malapit na ugnayan sa Russia.

Magugunitang, tumanggi ang China na kondenahin ang massive military assault ng Moscow sa Ukraine at inakusahan ng pagbibigay ng diplomatic support a Russia.