-- Advertisements --

Arestado ang isang Chinese matapos banggain ng sasakyang minamaneho nito ang concrete barriers sa Quezon Avenue sa Quezon City, Martes ng madaling araw.

Nadiskubri din ng mga otoridad na walang lisensiya at lasing pa ang nasabing Chinese.

Hindi naman nasugatan kahit pa bumaliktad ang kaniyang minamanehong SUV.

Agad na sinailalim sa kustodiya dahil wala siya umanong driver’s license at nangangamoy alak din.

Positibo sa impluwensya ng alak ang inaresto sa isinagawang field sobriety test at alcohol breath analyzer test.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 at Reckless Imprudence Resulting to Damage to Government Property.