-- Advertisements --
Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Chinese nationals sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Ang suspect ay wanted umano sa kanilang bansa dahil sa kasong Theft.
Kinilala ang chinese national na si Lyu Wulong.
Nagtangka umanong umalis ng bansa si Lyu sakay sana ng isang flight patungong Quanzhou , China.
Kinansela ng Immigration ang kanyang flight matapos na maberipika na mayroon itong hold departure order ng Regional Trial Court Branch 108.
Namamalagi naman si Lyu sa BI’s facility sa Bicutan, Taguig habang pinoproseso ang kanyang deportasyon.