-- Advertisements --

Nagkasa ng “routine patrols” ang naval at air forces ng Chinese military sa West Philippine Sea kahapon, Pebrero 9, 2024.

Kasabay ito ng ginagawang ikatlong Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea.

Ayon sa Chinese People’s Liberation Army Southern Theatre Command, layunin ng aktibidad na ito na panatilihin ng kasundaluhan ng China ang kanilang high level of alert sa lahat ng oras.

Gayundin ang patuloy na mas maigting na pagbabantay sa pambansang soberanya, seguridad, at maritime rights and interests ng kanilang bansa sa naturang teritoryo.