-- Advertisements --

Napasok ng Chinese hackers ang email account ni US Ambassador to China Nicholas Burns.

Ang nasabing insidente ay siyang pinakahuling pangyayari na pagpasok ng mga Chinese hackers sa mga email ng mga opisyal ng US.

Base sa imbestigasyon ng US State Department na unang pinasok ng mga Chinese Hackers ang email account ni Daniel Kritenbrink ang assistant secretary of State sa Eas Asia.

Kasama si Kritenbrink sa biyahe ni Secretary of State Antony Blinken sa China.

Bukod sa nasabing mga email accounts ng mga opisyal ay napasok din umano ng mga Chinese hackers ang emails ni Commerce Secretary Gina Raimondo.

Patuloy na iniimbestigahan na ng US State Department ang nasabing insidente.