‘Excited’ na umano si CHINESE Ambassador to the Philippines Huang Xilian na panuorin at mag-cheer sa Team China at Team Philippines na maglalaro sa FIBA 2023.
Ayon kay Huang, ang passion ng China at Pilipinas sa paglalaro ng basketball ay isang ‘shared moment’ sa pagitan ng dalawang bansa.
Kasabay nito, binati rin ng Chinese official ang dalawang magagaling na basketball players ng Pinas at China na magiging bahagi ng FIBA Hall of Fame: sina Chinese legend Yao Ming at Filipino player Carlos Loyzaga.
Ayon sa Chinese Ambassador, isa siya sa mga pinakamalaking fan ni Yao Ming na siyang nagsisilbing kinatawan ng China sa mga nakalipas na turneyo sa basketball.
Ang pagkaka-induct o pagkakapasok niya sa FIBA Hall of Fame Class of 2023 aniya ay isang malaking karangalan para sa buong China.
Sa kasalukuyan, ang China ay nasa ika-27 pwesto sa FIBA Basketball World ranking.