-- Advertisements --

Kumpiyansa si National Bureau of Investigation (NBI) Chief Melvin Matibag, na tuluyan ng mababawasan at mawawala ang negatibong impluwensiya ng social media sa mga kabataan kapag ipatupad na ng kumpanyang META ang kaniyang naipangako.

Sinabi ng NBI chief na naging mabunga ang ginawa nilang pulong sa Singapore kasama ang opisyal ng META kung saan idinulog nila nag mga lumalalang insidente ng negatibong impluwensiya ng social media sa mga kabataan.

Maging ang mga nagpapalaganap ng mga fake news ay mabilis na rin matukoy kapag ipatupad na ng META ang nasabing paghihigpit sa kanilang platform.

Magugunitang ibinunyag ni Matibag na mayroong ilang mga groomers na gumagamit ng social media para turuan ang mga kabataan na gumawa ng iba’t-ibang krimen.