-- Advertisements --
Sinibak na ng Chinese government ang kanilang Defense Minister na si Li Shangfu matapos ang dalawang buwan na hindi nagpapakita sa publiko.
Siya na ang pangalawang mataas na opisyal ng China na tinanggal ng gobyerno ng walang kalinawan.
Kasabay din nito ay tinanggal rin siya sa kaniyang puwesto bilang miyembro ng Central Military Commission isang pinakamalakas na puwersa na pinamumunuan ni Chinese President Xi Jinping.
Ang nasabing desisyon na pagtanggal sa kaniya ay aprubado ng mayorya ng National People’s Congress.
Noong Marso ng italaga si Li sa posisyon at mula noong Agosto ay hindi na ito nagpapakita sa publiko.
Magugunitang noong Hulyo rin ay pinatalsik ng China si dating Foreign Minister Qin Gang.