Sinubukan ng isang barko ng Chinese Coast Guard (CCG) na itaboy ang isang barko ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa ng maritime domain awareness (MDA) flight sa Ayungin Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea.
Naglabas ang Philippine Coast Guard ng video kung saan maririnig ang radio challenge mula sa China na nagsasabi na umalis sa lugar kahit na ito ay nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Natanggap ng barko ng Pilipinas ang radio challenge habang sila ay may maritime domain awareness flight kung saan namataan nila ang Chinese coast guard vessel na isang milya lamang ang layo sa BRP Sierra Madre na Philippine vessel sa Ayungin Shoal.
Ayon sa Philippine Coast Guard, ipagpapatuloy pa rin nito ang pagpapatrolya sa lugar.
Wala pa namang komento ang China tungkol sa nasabing radio challenge.
Kaugnay niyan, nakita kasi ng Philippine coast guard ang halos 30 hinihinalang Chinese maritime militia vessel at isang Chinese Coast Guard vessel sa Ayungin Shoal at Sabina Shoal.
Nauna nang sinabi ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na ang Cessna Caravan 2081 ng PCG ay nagtungo sa lugar upang obserbahan at magsagawa ng radio challenges sa bahagi ng West Philippine Sea.