Nagbigay ng donasyon sa US si Allibaba co-founder Jack Ma ng mga surgical masks at coronavirus test kits.

https://twitter.com/JackMa/status/1239581509125726210/photo/1

Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng larawan ng ilang paleta ng mga goods habang ito ay ibinaba sa eroplano sa shanghai.

Nasa 500,000 na mga testing kits at one million na mask sa America.

Nagbigay din ito ng mga medical supplies sa Europe habang bawat 54 African countries ay magbibigay itong 20,000 test kits, 100,000 masks at 1,000 medical use protective suits at face shields.

Nanawagan ito sa ilang mga may kaya na gawin ang kaniyang ginawang donasyon para malabanan ang coronavirus.