-- Advertisements --
Inaresto ng mga kapulisan ang isang lalaking Chinese dahil sa pangingikil ng kapwa sa Maynila.
Sinabi ni Police Maj. Brian Andula, ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), matapos silang makatanggap ng impormasyon ay agad nilang ikinasa ang operasyon at naaresto ang 26-anyos na suspek.
Sa imbestigasyon nagkakilala ang mga dalawa sa pamamagitan ng social media.
Nakapagbigay na ang biktima ng P14 milyon pero humingi pa ito ng karagdagan P200,000 sa kada linggo.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang laging target ng suspek ay mga operator ng Philippine offshore gaming operations (POGO).










