-- Advertisements --

Tinuligsa ng China ang plano ng US na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pinagmulan ng COVID-19.

Ayon kay Foreign ministry spokesman Zhao Lijian na isang political manipulation at blame shifting ngayon ang ginagawa ng US.

Gagamitin aniya ng US ang pandemic para isulong ang interest ng US at ito ay nagiging counter productive.

Malinaw din aniya na hindi nirerespeto ng US ang science.

Inakusahan pa ni Zhao ang US Intelligence na mayroong “dark history” na nagpapakalat ng maling impormasyon.

Magugunitang ipinag-utos ni US President Joe Biden sa kaniyang intelligence community ng pag-iimbestiga sa pinagmulan ng COVID-19 kung ito ba ay mula sa hayop o sa isang laboratrory.