-- Advertisements --
Kinontra ng China ang panukalang batas sa US na tumutuligsa sa kanila.
Sinabi ni Chinese foreign ministry spokesman Zhao Lijian na karapatan pa rin ng China na ingatan ang kaniyang sariling interest.
Tinutukoy ni Zhao ang panukalang batas ni US Representative Gregory Meeks na tinawag na “Ensuring American Global Leadership and Engagement Act” o E.A.G.L.E Act.
Ang 470 pahinang panukalang batas ay tumatalakay sa ilang isyu gaya ng pagpapalakas ng investment para sa promosyonn ng US manufacturing, trade, work with allies and partners.
Kasama rin dito ang re-engagement sa international organizations at ang pagkilala sa ginawang pagtrato ng China sa Uyghur Muslim minority bilang genocide.