Nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng United Arab Emirates-based artificial intelligence na G42 at Sinopharm Group, isang Chinese pharmaceutical company, na isailalim sa phase 3 clinical trial ang kanilang COVID-19 vaccine.
Patunay lamang ito ng panibagong development para sa paghahanap ng solusyon ng mga siyentipiko sa buong mundo ng gamot na kayang labanan ang deadly virus.
Kinumpirma naman ng Institute of Microbiology of the Chinese Academy of Sciences na inaprubahan ng Chinese government na isailalim sa phase 3 clinical trial ang recombinant protein vaccine.
Ang nasabing bakuna ay ang ikatlong uri ng possible COVID-19 vaccine na isasailalim sa naturang trial. Nauna rito ang adenovirus vector vaccine at inactivated vaccine.
Parehong nakapag-develop ng inactivated vaccine candidate ang Wuhan at Beijing na unang ginamit sa higit 2,000 katao. Dito ay nabatid na mas epektibo, ligtas, at walang side effects ang gamot mula Wuhan.
Sa kabilang banda, ang recombinant proteine vaccine ay tinatarget lamang ang mga virus na nagpapahina sa immune system ng isang indibidwal.
Ang ganitong uri ng gamot ay kalimitang ginagamit sa mga pasyenteng may sakit na hepatitis B, influenza, ubo at human papillomavirus (HPV).










