-- Advertisements --

Inatasan ni Executive Secretary Ralph Recto ang mga law enforcement agencies na igalang ang karapatan ng mamamayan sa malayang pagpapahayag habang nananatiling mahigpit laban sa karahasan at kaguluhan sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Binigyang-diin ni Recto ang kahalagahan ng pagbabalanse sa pagpapatupad ng batas at paggalang sa karapatan ng publiko.

Inatasan din niya ang Philippine National Police (PNP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na paigtingin ang koordinasyon sa seguridad, traffic management, at crowd control upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang insidente sa araw ng SONA.

Samantala, tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Presidential Security Command (PSC) na nakahanda na ang kanilang mga seguridad para sa okasyon. Ayon kay Recto, mahalagang maging mapayapa at maayos ang SONA hindi lamang sa loob ng Batasang Pambansa kundi maging sa mga karatig na lugar. (report by Bombo Jai)