-- Advertisements --
Tiniyak ng China na patuloy pa rin ang pagsuporta nila sa mga ASEAN countries lalo na ang pagsugpo laban sa COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tutulong ang China sa mga ASEAN countries sa pamamagitan ng pagbibigay ng COVID-19 vaccines.
Isinagawa ng China ang katiyakan sa Special ASEAN-China Foreign Ministers meeting bilang pagdiriwang ng 30th anibersaryo ng ASEAN-China Dialogue sa Chongquing, China.
Pinangunahan nina DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. at Chinese Foreign Minister Wang Yi ang nasabing pagpupulong.










