-- Advertisements --
image 218

Isang Chinese naval flotilla ang naglayag ngayong linggo para sumali sa Russian naval at air forces sa Sea of Japan sa isang execise na naglalayong pangalagaan ang seguridad ng mga strategic waterways, ayon sa defense ministry ng China.

Codenamed “Northern/Interaction-2023,” ang drill ay nagmamarka ng pinahusay na kooperasyong militar sa pagitan ng China at Russia mula noong pagsalakay ng Moscow sa Ukraine at habang patuloy na tinatanggihan ng Beijing ang mga panawagan ng US na ipagpatuloy ang komunikasyong militar.

Ang Chinese flotilla na binubuo ng limang barkong pandigma at apat na ship-borne helicopter, ay umalis sa silangang daungan ng Qingdao at makikipagtagpo sa mga puwersa ng Russia sa isang “predetermined area,” ayon sa ministry sa opisyal nitong WeChat account.

Noong Sabado, sinabi ng ministeryo na ang hukbong pandagat at panghimpapawid ng Russia ay lalahok sa drill na gaganapin sa Dagat ng Japan.

Ito ang unang pagkakataong makikilahok ang parehong pwersa ng Russia sa drill.