-- Advertisements --
Tiniyak ng China na gagawin nila ang lahat ng makakaya para protektahan ang kanilang interest.
Kasunod ito sa plano ng mambabatas sa US na tuluyang ipagbawal ang TikTok.
Ang nasabing social media platform kasi ay pag-aari ng Chinese company na ByteDance.
Itinanggi kasi ng nasabing kumpanya ang alegasyon ng mga mambabatas sa US na kinukuha ng nasabing social media platform ang mga datus ng kanilang users na siyang banta sa national security.
Pinuna ni Chinese foreign ministry spokesman Wang Wenbin na ang panukalang batas ay hindi akma sa prinsipyo ng fair competition at justice.
Naninwala ito ng isang uri lamang paninira ang nasabing panukalang batas dahil sa gumagandang dulot nito sa mga users.