-- Advertisements --

Nanindigan pa rin ang bansang China na hindi kikilalanin ang Arbitral Ruling na inilabas ng Permanen Court of Arbitration, na kumikilala sa karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone nito sa West Philippine Sea.

Batay sa statement na inilabas ng Chinese Embassy, paglabag sa United Nations Convention on Law of the Sea at international law ang nabanggit na ruling.

Iginiit ng China na ang kanilang claims ay nakabatay lamang sa kanilang sariling kasaysayan, kung saan bahagi ng kanilang teritoryo ang nasabing karagatan, kayat pinoprotektahan lamang daw nila ang kanilang soberanya at interest sa West Philippine Sea.

Inakusahan din ng Chinese Embassy ang US bilang mastermind umano na siyang may pakana sa nasabing ruling, na sumasakay lamang sa isyu sa West Philippine Sea.

batay pa sa stament ng Chinese Embassy, sumasawsaw ang US sa usapin sa West Philippine Sea, dahil nais nitong pwersahin ang China na tanggapin na nito ang ruling.

Maalalng Hulyo a-12, 2016 nang igawad ng High Court ang ruling pabor sa Pilipinas, matapos idulog ng pamahalaan ang claims nito sa West Phil Sea.

Sa nasabing desisyon, ibinasura ng High Court ang 9-dash line claims ng China na siyang pinapanindigan ng bansa para igiit ang karapatan nito sa nasabing karagatan.