-- Advertisements --

Lagpas na 2 billion doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok ng China sa kanilang mga mamamayan.

Noong Huwebes lang, mahigit 889 million katao ang fully vaccinated sa China, kasama sa mahigit 2 billion shots na gawa ng bansa na naiturok na sa kanilang mamamayan.

Dahil dito, kahanay na ng China ang United Kingdom at nauna naman sa United States pagdating sa percentage ng kanilang populasyon na fully vaccinated na.

Ang 2 billion milestone ay nangyari 10 linggo matapos na malampasan ng China ang 1 billion mark noon namang Hunyo.

Hulyo nang talagang bumilis ang vaccination drive ng China, nang tumaas ulit ang infections sa bansa dahil sa mas nakakahawang Delta variant.

Kahapon, Agosto 27, inanunsyo ng health officials ng China na “under control” na ang outbreak sa kanilang bansa.

Bago matapos ang kasalukuyang taon, sinabi ni respiratory expert Zhong Nanshan na target ng China na mabakunahan ng lubusan ang 80 percent ng kanilang 1.4 billion na populasyon hanggang sa katapusan ng taon.

Kabilang sa mga binabakunahan na sa ngayon sa China ang mga matatanda, menor de edad at residente sa rural areas nila.