-- Advertisements --
chinese ambassador Huang Xilian

Nakahandang tumulong ang China sa ating mga kababayang biktima ng malawakang pagbaha sa Mindanao sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25.

Sa isang statement, nagpaabot si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ng pakikisimpatiya sa mga biktima ng naturang trahedya sa southern region ng Pilipinas nang-iwan ng dalawang katao na nasawi.

Naninindigan din ang China sa pagtulong sa Pilipinas na tinawag nitong mabuting kapitbahay, relative at partner sa mga ganitong kalamidad.

Umaasa din ang Chinese envoy na makabangon ang lahat ng mga apektado nating kababayan at muling maitayo ang kanilang mga bahay na nasira dahil sa malawakang pagbaha.