-- Advertisements --
Nagsagawa ng military exercise ang China malapit sa Taiwan.
Ayon sa tagapagsalita ng People’s Liberation Army na ang ginawa nila ay bilang kasagutan sa ginagawang provocation at collusion ng US at Taiwan.
Patuloy kasi na iginigiit ng China bahagi pa rin ng kanilang teritoryo ang Taiwan.
Hindi naman binanggit ng China kung ilan ang bilang ng mga eroplano at mga barkong pandigma ang ginamit nila para sa military exercise.
Magugunitang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng China at Taiwan ng bumisita si US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan noong Agosto.