Kinumpirma ni Department of Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na nais ng China makipagtulungan hinggil sa ginagawang imbestigasyon sa tangkang pag hack sa website ng owwa at iba pang ahensia ng gobyerno.
Sinabi ni Secretary Uy na naghayag ng kahandaang tumulong ang China at humihingi sa DICT ng detalye kung ano ang nangyari para mahanap umano nila kung saan at sino ang gumawa ng tangkang pag hack upang kanilang mapanagot.
Binigyang-diin ni Uy na bukas sila sa ganitong pakikipag tulungan lalo pa at laganap na aniya ang mga cybercrimes kahit saang parte ng mundo.
Ayon pa sa kalihim, karamihan sa mga cyber criminal organizations ay nagtatago sa ibang bansa habang gumagawa ng mga kababalaghan sa internet.
Dagdag pa ni Uy hindi rin nila isinasantabi ang posibilidad na may kinalaman sa isyu ng west philippine sea ang tangkang pag hack sa mga website ng ibat ibang government agencies.
Ipinagmalaki din ni Uy na hindi tumitigil ang kanilang ahensiya para tugisin ang mga hackers.
Sa katunayan, nitong mga nakalipas ay sinalakay ng DICT ang isang scam center sa Pasay City, kung saan 600 indibidwal ang naaresto, 200 dito ay pawang mga chinese na ang binibiktima ay kapwa rin nila mamamayan.
Dahil dito, nais ng Chinese government na matukoy, mahuli at mapadeport sa kanilang bansa ang mga suspek para kanilang mapanagot din ang mga ito.