-- Advertisements --
Matagumpay na inilunsad ng China ang Shenzhou-15 spacecraft.
Lulan ito ng tatlong astronauts patungo sa ka nilang space station kung saan kukumpletuhin nila ang unang-crew handover orbit ng China.
Sakay ng March-2F rocket ang tatlo at isinagawa ang paglunsad sa Jiuguan launch center sa Gobi desert.
Pinangunahan ni veteran astronaut Fei Junlong at dalawang first-time astronauts na sina Deng Qingming at Zhang Lu.
Ang 57-anyos na si Fei ay unang lumipad sa kalawakan noong 17 taon na ang nakalipas na siyang nanguna sa Shenzhou-6 mission noong 2005.