-- Advertisements --
Ibinunyag ni US Secretary of State Antony Blinken na ikinokonsidera ng China ang pagbibigay ng armas at mga bala sa Russia habang isinagawa ang paglusob nito sa Ukraine.
Binalaan nito ang China na kapag itinuloy nito ay lalong lalala ang sitwasyon.
Itinanggi naman ng China ang alegasyon na ito.
Magugunitang naging mahigpit na magkaalyado ang China at Russia kung saan mas pinili ni Chinese President Xi Jinping na maging neutral sa usapin ng giyera sa Ukraine.