-- Advertisements --

Kinondina ng China ang pagtungo sa Taiwan ng mga mambabatas mula sa US.

Tinawag ng China ang hakbang na magbubunsod ng kaguluhan.

Kinumpirma ng Ministry of Foreign Affairs ng Taiwan ang pagbisita ng mga US officials.

Inayos aniya ito ng American Institute sa Taiwan ang de facto US Embassy sa Taipei.

Hindi naman binanggit nito kung sinu-sino ang mga ito.

Lulan ang mga ito sa isang Boeing C-40A military plane na galing sa Okinawa, Japan.

Magugunitang makailang bees na iginigiit ng China na bahagi pa rin nila ang Taiwan.

Ilang beses na rin inireklamo ng Taiwan ang pagpapalipad ng China ng kanilang eroplanong pandigma sa air defense nila.