-- Advertisements --

Nagsumite ng panukala ang Ambassador ng China sa Pilipinas na si Jing Quan sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magkaroon ng common fishing area sa Bajo de Masinloc o kilala rin sa tawag na Panatag Shoal, para mapahupa ang tumintinding tensyon sa pinagtatalunang karagatan.

Ito ay para aniya tularaan ang matagumpay na modelo sampung taon na ang nakalilipas, kung saan nagtalaga ng isang common fishing area. Noon aniya, magkasamang mapayapang nangingisda ang mga Pilipino at Tsinong mangingisda. Kung nagawa aniya ito sa nakalipas na dekada, bakit hindi aniya ito gawin ngayon.

Ang common fishing area sa pagitan ng China at Pilipinas ay sa Scarborough Shoal, na mayaman sa coral na matatagpuan 120 nautical miles ng baybayin ng Zambales na nagsisilbing traditional fishing ground ng mga mangingisdang Pilipino, Tsino, Taiwanese at Vietnamese.

Samantala, inirerekomenda rin ng Chinese envoy ang pagpapalawig pa ng kooeprasyon sa joint oil at gas development sa disputed waters kabilang na ang pamumuhunan sa agrikultura, solar energy, waste-to-energy projects at electric vehicles.