-- Advertisements --

Inilabas ng China ang kauna-unahang video na kuha ng kanilang Zhurong rover habang ito ay nasa planetang Mars.

Galing ang nasabing video sa wireless camera na inilagay nila sa robot sa lugar.

Makikita sa video ang unang beses na paglapag ng Zhurong noong Mayo at ang paglabas ng parachute system mula noong ito ay lumapag.

Ang six-wheeled robot ay pinag-aaralan ang lugar ng Utopia Planitia.

Ipinagmalaki pa ng China National Space Agency na ang Zhurong ay lumakad na sa 236 meters sa loob ng isang araw.