-- Advertisements --
image 604

Iginiit ng China na dapat tanggalin ng Pilipinas ang umano’y kinakalawang nitong barko sa o Ayungin Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) at kung talagang nagmamalasakit ito sa kapaligiran.

Ito ang naging pahayag ng Chinese Ministry of Foreign Affairs (MoFA) sa plano ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG), na magsampa ng reklamo laban sa China.

Ayon sa tagapagsalita ng MoFA na si Mao Ning ang mga akusasyon ng Pilipinas ay walang makatotohanang batayan.

Aniya, ang nasbaing barkong pandigma ng Ph ay nagdudulot ng pinsala sa karagatan.

Matatandaan na kinumpirma kamakailan ng Philippine Coast Guard na ang pagkasira ng mga coral reef sa Rozul Reef at Escoda Shoal ay “malamang” na dulot ng Chinese maritime militia vessels.

Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hinihintay na lamag nito ang assessment ng mga kinauukulang ahensya sa pinsala sa kapaligiran sa Rozul Reef.

Idinagdag ng DFA na nakahanda itong mag-ambag sa pagsisikap na ito at gagabayan ng Office of the Solicitor General sa naturang usapin.