-- Advertisements --
Hindi dadalo ang China sa G20 tourism meeting na ang host ay India.
Nakatakdang gawin sa pinag-aagawang Himalayan territory sa Kashmir.
Kinondina ng China at Pakistan ang India dahil sa pagsasagawa ng nasabing event sa Muslim-majority na Kashmir ang rehiyon na pinag-aagawan ng New Delhi at Islamabad.
Kapwa inaangkin ng dalawa ang rehiyon pero bahagi lamang nito ang kanilang pinamumunuan.
Mayroong tatlong beses ng nagkaroon ng giyera ang dalawang bansa sa lugar mula ng makamtan nila ang kalayaan sa United Kingdom noong 1947 sa Kashmir.