Tutungo ng Pilipinas si Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Enero 15 hanggang 16.
Ayon sa Department of Foreign Affaris (DFA), layon nang pagbisita ni Wang sa Pilipinas na mapalakas pa lalo ang economic, trade, at health cooperation ng Pilipinas at China sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ay kasunod na rin nang official trip naman ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa China noong Oktubre 2020.
Sinabi ng DFA na magkakaroon ng bilateral meeting sina Want at Locsin para pag-usapan kung paano mapapabilis ang “mutually beneficial cooperation” ng Pilipinas at China, partikular na sa trade at investments, infrastructure development para matugunan ang epekto ng pandemya.
Sumisimbolo rin ito nang determinasyon at steady progress ng China at Pilipinas sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng dalawang bansa.










