Ipinagtanggol ng ilang senior Chinese officials ang kanilang gobyerno ukol sa ginawa nitong mga hakbang para labanan ang coronavirus pandemic.
Ayon sa mga ito, hindi umano nagkulang ang China sa pagbibigay ng “timely” at “transparent” na impormasyon sa World Health Organization (WHO). Taliwas umano ito sa mga naglabasang reports na hindi umano sinabi ng Chinese government ang genome sequence ng virus.
Batay kasi sa pananaliksik ng ilang eksperto, napag-alaman nila na itinago ng China ang genetic map ng coronavirus noong Enero na naging dahilan kung bakit hindi kaagad ito naaral ng mga third world countries para makagawa kaagad ng gamot.
Sinabi ni National Health Commission Chairman Ma Xiaowei na marami pang hindi malinaw na impormasyon tungkol sa outbreak at kinailangan nito ng mahabang panahon para kumalap ng mga ebidensya tungkol sa virus.
“The Chinese government did not delay or cover up anything. Instead, we have immediately reported virus data and relevant information about the epidemic to the international community and made an important contribution to the prevention and control of the epidemic around the world,” pahayag ni Ma.
Inilatag naman nito sa mas detalyadong timeline ang naging hakbang ng gobyerno para ipaalam sa buong mundo ang nakamamatay na sakit.