Sinabi ng China Coast Guard na nagkaroon umano ng temporary special arrangements para payagan ang Pilipinas na makapaghatid ng mga suplay sa mga sundalong Pilipino na nakaistasyon sa isinadsad na warship na BRP Sierra Madre sa pinagtatalunang Ayungin shoal.
Sa isang statement, sinabi ng Chinese Coastguard na pinahintulutan umano nila ang kinakailangang mga suplay subalit determinado pa rin aniya silang depensahan ang kanilang soberaniya, maritime rights at interes sa disputed reef at adjacent waters.
Aniya, noong Enero 21 ng kasalukuyang taon nagsagawa ng resupply mission ang Pilipinas sa pamamagitan ng airdrop sa kauna-unahang pagkakataon sa BRP Sierra Madre na tinawag ng China na iligal na isinadsad na warship sa naturang isla.
Sinabi ng China Coast Guard na kanilang sinundan at minonitor ang sitwasyon real time, at kanila umanong pingasiwaan at tinugunan ito alinsunod sa batas at mga regulasyon at nagkaroon ng temporary special arrangements para sa PH para sa replenish ng kailangang pang-araw araw na suplay ng mga tropa ng PH sa naturang barko.
Samantala, sinusubukan naman ng Bombo radyo na makuha ang panig ng AFP kaugnay sa naturang claim ng China.