-- Advertisements --
Wang Wenbin

Binatikos ng China ang Amerika sa pag-ungkat ng Mutual Defense Treaty nito sa Pilipinas para takutin ang Beijing kasabay ng pagdepensa nito sa agresibong mga aksiyon ng kanilang coast guards patrols laban sa Philippine vessels sa West Philippine Sea.

Una na kasing nagpahayag ang Estados Unidos ng suporta sa Pilipinas sa pamamagitan ng paggiit ng kanilang Mutual Defense Treaty sa Pilipinas kasunod ng insidente ng panunutok ng laser device ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard sa may Ayungin shoal.

Subalit inihayag ng Chinese Foreign Ministy spokesman Wang Wenbin na hindi aniya sila matitinag sa pagsiguro sa lehitimo at lawful rights at interest ng China.

Sa kabila ng naturang insidente, inilarawan ng Beijing ang kabuuang sitwasyon sa Ayungin shoal na kalmado at inihayag na ang naging aksiyon ng Chinese Coast Guard ay “professional at restrained”.

Tinawag din ng Chinese official ang West Philippine Sea arbitration case ng inisyatibo ng Pilipinas laban sa China ay isang political drama na kagagawan ng US.

Nanindigan naman ang US na anumang armadong pag-atake sa Philippine armed forces, public vessels o aircraft kabilang ng Coast Guard sa may West Philippine Sea ay maguudyok sa US para tupdin ang mutual defense commitments nito sa ilalim ng Mutual Defense Treaty sa Pilipinas.