-- Advertisements --

Nagbabala ang China na gagawa sila ng mas mabigat na hakbang sakaling makialam ang Canada sa Taiwan.

Kasunod sa plano ng ilang mambabatas ng Canada na bumisita sa Taiwan.

Ayon sa Chinese embassy in Canada na dapat sumundod ang mga Canadian sa ipinapairal nilang one-China principle na sakop pa rin ng China ang Taiwan.

Hindi aniya magdadalawang isip ang China na magsagawa ng mabigat na hakbang sa mga bansa na magtatangka na makialam sa soberanya ng China at ang kanilang territorial integrity.

Plano kasi ng mga miyembro ng Canada-Taiwan parliamentary ‘friendship group’ sa buwan ng Oktubre.

Sa pahayag ng gobyerno ng Canada na ang parliamentary associations at friendship groups ay independent at kanilang nirerespeto ang pasya ng mga mambabatas na bumisita sa Taiwan.