Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang isang panibagong polisiya na tinawag na “Child Find” policy para sa mga mag-aaral na mayroong kapansanan.
Layunin nito na tiyakin na mayroong sapat na access sa dekalidad at pantay-pantay na edukasyon ang bawat mag-aaral lalo na ang mga indibidwal na may kapansanan.
Nakasaad sa nilagdaang DepEd Order No. 23 series 2022 ni Undersecretary Annalyn Sevilla ang mga prosesong tumitiyak sa pagtukoy, paghahanap, at pagsusuri sa mga estudyanteng may kapansanan upang mapadali ang kanilang pagsama sa general basic education school system.
Ito ay bilang pagsunod sa inilabas na Enhanced Basic Education Act of 2013 o Republic Act No. 10533, Section 8 na kilala rin Inclusiveness of Enhanced Basic Education na idinisenyo upang tugunan ang mga pangangailangang pisikal, intelektwal, psychosocial, at kultural ng mga mag-aaral.
Bukod dito ay nilalayon din nito na bigyan ng paraan ang mga paaaralan para masubaybayan ang pagpapatupad ng Child Find Process at gayundin ang pagtataguyod ng “cooperative advocacy para sa mga kabataang may kapansanan at mga developmental delays sa mga stakeholder.
Samantala, sa ngayon ay ibinahagi na ng DepEd sa kanilang mga kawani at mga guro angmga bagong polisiya para sa implementasyon ng Child Find policy.










