-- Advertisements --

Gumawa ng kasaysayan si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo bilang kauna-unahang Punong Mahistrado na nagtungo sa Basilan

Dumalo kasi ito sa Remote Hearing and Equal Access to Law and Justice o REAL Justice program. na inilunsad sa lalawigan ng Tawi-Tawi .

Sa isang pahayag, kinumpirma ni Senior Associate Justice Marvic Leonen na si Chief Justice Gesmundo ang siyang kauna-unahang Punong Mahistrado na bumisita sa naturang lalawigan.

Ito aniya ay isang positibong pagkakataon para ipaabot at ipakita sa publiko na binibisita rin ng ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang mga liblib na lugar sa Pilipinas.

Ito rin ay patunay lamang na patas ang hukuman sa bansa.

Tiniyak rin ng hakbang na ito na nanatiling buhay ang hustisya sa Pilipinas.

Kabilang sa sumama sa Punong Magistrado sina Associate Justice Jafar Dimaampao at Associate Justice Maidas Marquez.

Bumisita rin sa lugar si Office of Presidential Adviser on Peace and Reconciliation Adviser Carlito Galvez Jr maging ang ilang opisyal ng AFP at PNP.
Top