-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang chief adviser na ni British Prime Minister Boris Johnson na si Dominic Cummings.

Ang nasabing pagbibitiw nito ay ilang araw matapos na bumaba sa kaniyang puwesto ang communications director ni Johnson na si Lee Cain.

Hindi naman nilinaw ni Johnson ang dahilan ng pagbibitiw ni Cummings.

Paglilinaw naman ng Downing Street na mananatili sa kanilang puwesto ang dalawa hanggang sa kalagitnaan ng Disyembre.