-- Advertisements --

Buo ang suporta ng Commission on Higher Education (CHED) sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na i-review ang tertiary curriculum sa bana upang matugunan ang job mismatch o hindi tugmang trabaho sa kursong tinapos ng mga mag-aaral.

Ayon kay CHED Prospero De Vera, tuluy-tuloy din naman aniya ang ginagawang pag-review ng komisyon sa naturang curriculum sa nakalipas na dalawang taon.

Binigyang diin naman ng CHED official na napakahalaga ng pag-review ng curriculum sa pagtugon ng kasalukuyang hamon kaugnay sa skills at jobs mismatch sa mga graduates dahil kung hindi marerebisa ito ay mapag-iiwanan ang mga estudyante.

Kung kayat hinimok ng CHED ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang industriya at sa gobyerno na bumuo ng technical panels na siyang mamumuno sa pag-review ng mga degree programs.