Pinag-aaralan ng Commission on Higher Education (CHED) ang posibilidad na palawakin ang limited face-to-face classes sa iba pang degree programs sa kabila nang napaulat na COVID-19 infection sa Eastern VIsayas.

Ayon kay CHED chairperson Prospero De Vera III na idudulog niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin na ito sakaling makakita sila ng datos na makakapagsabing ligtas sa COVID-19 ang mga estudyanteng sumubok na sa limited face-to-face classes.

Sa ngayon, ang pinapayagan lamang ng Pangulo para sa limited in-person classes ay mga medical at allied health programs.

Ayon kay De Vera, mayroon nang 73 higher education institutions na nagsasagawa ng face-to-face classes para sa kanilang medical programs.

Pero mayroon aniyang napaulat namang COVID-19 infection sa Region XIII o Eastern Visayas, na kasalukuyang tinitingnan na ng mga awtoridad.

Nauna nang sinabi ni De Vera na ititigil ang limited in-person classes kapag tamaan ang isang estudyante ng COVID-19.Top