-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Commission on Higher Education (CHED) na aabot sa 2.46 milyon na mag-aaral ang nabigyan nila ng libreng pag-aaral sa kolehiyo nitong academic year 2021 hanggang 2022.
Ayon kay CHED Commissioner Prospero de Vera na ang pagpasa ng Free College Education Law ay nag-improve sa pag-access sa dekalidad na college education sa bansa.
Sa paglunsad lamang ng nasabing free higher education ay umabot agad sa milyon ang nabenepisyuhan nito.
Bukod pa sa nabanggit na programa ay ipinatupad din ang Tertiary Education Subsidy (TES) at Tulong Dunong program na mayroong halos 400,000 na benepisaryo ngayong taon.