-- Advertisements --

Pinapaimbestigahan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang reklamo ng dalawang estudyante na pinigilang maka-graduate sa Pamantasan ng Cabuyao sa Laguna.

Sinabi CHED chairperson Propero De Vera III na may mga tao na itong inatasan para imbestigahan ang nasabing pangyayari.

Mayroong complaint letter na ipinadala sina Joshwell Miko Decena at Jomar Aquino na hindi umano makatuwiran ang ginawang parusa laban sa kanila.

Ang dalawa kasi ay inakusahan ng nasa likod ng pambabatikos gamit ang social media sa pamamalakad ng pamantasan.

Ipinaubaya ni De Vera ang nasabing kaso kina CHED Executive Director Cinderella Filipina Benitez-Jaro at Legal and Legislative Services Director Frederick Farolan para imbestigahan ang pangyayari.